Balikan na… Naman!
Balikan… Oo, Balikan na naman
‘Nakakasawa’ ang tumatakbo sa isipan
Babiyahe ulit sa mga iba’t-ibang sasakyan
Pera’t lakas ang tiyak na mababawasan.
Di nga makatulog nung kinagabihan
Marami kasing pinag-alalahanan
Mga pamilya’t kaibigan na iiwan
Ramdam na bukas sila’y magdradramahan.
Mukhang ayos nung kinabukasan
Ordinaryo ang kanilang hitsura pag titignan
Ngunit pag sila’y mabuting pagmasdan
Isip nila’y ako’y ulit lilisan na naman.
Habang bumibiyahe lahat ay tinitignan
Sa loob ng bus na ayos ang kinlalagyan
Mga iba’t-ibang taong nasa kanilang upuan
Tahimik sila at malalim ang pinag-iisipan.
Nakaupo ako malapit sa may durwangan
Kung saan madali kong mapagmasdan
Mga bagay-bagay sa kapaligiran
Kay bilis nagbago, naglaho at nalipasan.
Nung nakarating ako sa aking pinaroroonan
Mukhang may mga bagong kabanatang dapat na umpisahan
Magugulong bagay na dapat pag-ayusan
At ang mga pagsubok na dapat lagpasan.
Pagpapahinga ay mukhang matatagalan
Paggalaw ng mga kamay na orasan
At pagmarka ng bawat araw sa kalendaryo ay pinagkadiskitihan
Sana naman ang pagpatak ng mga araw ay bilisan
Lahat ng mga bagay ay aking naranasan
Paggawa ng maraming kabutihan
Naisagawa na rin ang nasa kadiliman
O, ano pa ang dapat kong magampanan?
Nagsasawa na ba ako sa mundong aking kinagagalawan
Mga paulit-ulit na bagay na nakalakihan
Hoy! Kailan pa ang katapusan?
Wag namang laging ganito at umabot pa sa magpakailanman.
Pero, buhay kay simple lang naman
Parang biyahe kung saan may pinupuntahan
Sana nga may patutunguhan
Para masabi ko balang araw na:
“Balikan na… Naman!”



Comments
Post a Comment